113 aftershocks, naitala ng PHIVOLCS kaugnay sa magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental

Patuloy na nakapagtatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng mga aftershock sa ilang bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol doon.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS-DOST, hanggang kaninang alas-1:00 ng hapon ay nasa 113 na aftershocks ang naitala.

Mula rito,70 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang anim may kalakasan pagyanig ang naramdaman ng mga residente.


Ang may mga lakas na mula magnitude 1.4-4.9 ang naitala sa kanilang reference station sa General Santos.

Facebook Comments