113 na miyemro ng NPA at mga supporter, sumuko sa militar sa Masbate

Sumuko sa militar ang 113 na miyembro ng kilusang komunista ngayong linggong ito sa Masbate.

Sa ulat ng Joint Task Force Bicolandia, 21 ang sumuko noong Setyembre 14; 20 noong Setyembre 15; 48 noong Setyembre 16; at 24 kahapon.

Ang mga ito ay mga regular na miyembro ng New People’s Army (NPA), Milisya ng Bayan, Sangay ng Parido sa lokalidad at mga supporter.


Sumuko ang mga ito sa iba’t ibang Community Support Program (CSP) teams sa lalawigan.

Habang isinuko rin nila ang kanilang 9 na mababang kalibre ng armas.

Batay pa sa ulat ng JTF Bicolandia, ang sunod-sunod na pagsuko ng mga terroristang komunista sa Masbate ay indikasyon na nawalan na ng pag-asa sa armadong pakikibaka ang mga ito at nais na lang mamuhay nang tahimik.

Ang mga nagsisuko ay isinailalim sa debriefing at ang mga kwalipikado ay i-eenroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan pagkakalooban sila ng cash, livelihood, medical, housing at educational assistance.

Facebook Comments