114 KATAO SA ISABELA, NAKAREKOBER SA COVID-19

Cauayan City, Isabela- Idineklarang ‘fully recovered’ ang isang daan at labing apat (114) na tinamaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa impormasyon na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 19, 2021, pumalo sa 6,412 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng 114 na bagong kaso.

Mayroon namang walumpu (80) na naitalang bagong gumaling na nagdadala sa kabuuang bilang na 5,441.


Mula sa bilang ng panibagong kaso, pinakamaraming positibong kaso ngayong araw ang bayan ng Roxas na may tatlumpu’t siyam (39); labing dalawa (12) sa Santiago City; walo (8) sa Lungsod ng Cauayan; pito (7) sa bayan ng Alicia; lima (5) sa bayan ng Delfin Albano; apat (4) sa bayan ng Sta. Maria; dalawa (2) sa Lungsod ng Ilagan at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Echague, Luna at Angadanan.

Sa kasalukuyan, mayroong 848 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela at mula sa total confirmed cases na 6,412 ay nasa 123 na ang nasawi.

Pinakamarami sa bilang ng aktibong kaso ang 679 na Local Transmission; 126 na Health Workers; dalawampu’t apat (24) na miyembro ng PNP; labing walo (18) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at isang (1) Returning Overseas Filipino (ROFs).

Facebook Comments