
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), na kabuuang 1,140 na paaralan ang napinsala ng malakas na lindol sa Mindanao.
Kabuuang 7,575 classrooms naman ang naapektuhan ng kalamidad.
Sa naturang bilang, 1,297 ang totally damaged, 1,004 ang nagkaroon ng major damage, at 5,274 nagkaroon ng minor damage.
Habang umaabot naman sa ₱4 billion ang kakailanganin sa pagkumpuni ng naturang mga paaralan.
Ayon sa DepEd, pinakamatinding napinsala ng lindol ang Region XI o Davao Region, na may kabuuang 764 na mga napinsalang paaralan o mahigit 5,350 classrooms na napinsala.
Tiniyak naman ng Education Department ang pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mabilis na pagkumpuni sa mga nasirang silid-aralan.









