15 illegal miners na nagsasagawa ng quarrying operations sa Taal Volcano protected area, naaresto na ng DENR

Inanunsyo ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na 15 illegal miners ang naaresto habang nagsasagawa ng illegal mining activities sa Taal Volcano Protected Area Landscape sa Taal Batangas.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, bukod sa pagkahuli sa mga ito, kinumpiska rin ang kanilang mga kagamitan.

Paliwanag ng kalihim na kabilang dito aniya ang tatlong backhoe, dalawang screeners, isang truck na puno ng 127 board feet ng troso at 122.83 board feet ng lumber.


Matatandaan na may mga nauna nang nahuling mga illegal miner noon ay ang mga tauhan ng DENR- Environmental Law Enforcement and Protection Service sa nasabing protected areas.

Lahat ng mga ito ay nahatulan na ng Korte matapos mapatunayang guilty sa kanilang kaso.

Facebook Comments