Umakyat na sa 115,000 ang bilang ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ang nakatanggap na ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Ang bilang na ito ayon kay Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Atty. Zona Russet Tamayo ay mula nang simulan nila ang pamamahagi ng subsidiya simula noong March 15, 2022.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na nagpapatuloy rin ang pag-imprenta ng Pantawid Pasada cards para sa mga bagong benepisyaryo ng programa.
Kabilang o pasok na kasi sa mga mabibigyan ng fuel subsidy ang mga driver at operator ng TNVS at UV express.
Ayon pa kay Atty. Tamayo, inaasahan na sa susunod na Linggo, masisimulan na rin nila ang pamamahagi ng Pantawid Pasada card para sa mga karagdagang benepisyaryo ng fuel subsidy.