Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 116 na bagong kaso ng Delta o Indian variant ng COVID-19.
Bukod dito, naitala rin ang 113 na bagong kaso ng Alpha o UK variant, 122 rin ang bagong kaso ng Beta o South African variant habang 10 ang bagong kaso ng P.3 o Philippine variant.
Sa kabuuan, umaabot na sa 331 ang kabuuang bilang ng kaso ng Delta variant sa bansa.
Sa 116 na bagong kaso ng Delta variant cases, 95 ang local cases, isa ang Returning Overseas Filipino (ROF), at ang 20 ay inaalam pa kung local o ROF cases.
83 cases dito ay may address sa National Capital Region (NCR), habang ang 3 ay mula sa Calabarzon, 4 sa Central Visayas, 2 sa Davao Region, 1 sa Zamboanga Peninsula, 1 sa Cagayan Valley, at 1 sa Ilocos Region.
Ayon sa DOH, ang lahat ng 116 na bagong Delta variant cases ay pawang gumaling na.
Samantala, ang kabuuang Alpha variant cases na sa bansa ay 1,968 habang 2,268 ang kabuuang kaso ng Beta variant.