116 BARANGAY ROADS SA PANGASINAN, HINDI MADAANAN DAHIL LUBOG SA BAHA

Nasa dalawang talampakan ang lalim ng baha sa ilang barangay roads sa Pangasinan dahil sa pag-ulan na nararanasan at pagtaas ng lebel ng tubig sa mga kailugan.

 

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chui, apektado ang kakalsadahan sa 116 barangay sa lalawigan kaya may mga pagkakataon na hindi madaanan ng mga light vehicles o di kaya ay hindi passable sa lahat ng uri ng sasakyan.

 

Kabilang sa tinututukan ang bahagi ng Villa Verde Road sa Malico, San Nicolas na nananatiling one lane passable at agad nalilinisan sakaling may pagguho ng lupa ngunit abiso ni Chui na iwasan na lamang ang naturang ruta.

 

Sa kabila nito, nananatiling passable ang lahat ng mga pangunahing kakalsadahan at tulay sa lalawigan.

 

Patuloy na pinaiigting ang koordinasyon ng tanggapan sa mga lokal na pamahalaan para sa pinakahuling abiso sa mga residente at matugunan sakaling mangailangan ng agarang pagresponde. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments