116 pang kaso ng paglabag sa International Humanitarian Law ng CPP-NPA, naitala ng AFP at isinumite na sa CHR

Nagsumite na ang Armed Forces of the Philippines Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) sa Commission on Human Rights (CHR) ng listahan ng karagdagang 166 kaso ng paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA.

Ang bagong listahan ay kinabibilangan ng 16 insidente ng pag-recruit at paggamit ng child combatants, 10 insidente ng paninira ng pribadong ari-arian, 113 insidente ng paggamit ng anti-personnel mines (APM), 20 insidente ng willful killings at pitong iba pang IHL violations.

Ayon kay AFPCLOAC Director BGen. Joel Alejandro Nacnac, ang mga pinakahuling naitalang insidente ay bukod pa sa unang isinumite ng AFP sa CHR na listahan ng 1,506 IHL violations na na-monitor mula 2010 hanggang 2020.


Ang unang listahan ay isinumite rin ng AFP sa PNP-Criminal investigation and Detection Group (CIDG) nitong Oktubre 6 para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sjnabi ni BGen. Nacnac, inaasahan nilang mas lalo pang tataas ang bilang ng paglabag ng CPP-NPA sa IHL dahil sa kanilang patuloy na pagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan sa pamamagitan ng paghahasik ng terorismo.

Ang CPP-NPA ay kabilang sa listahan ng mga teroristang organisasyon sa European Union, United Kingdom, United States, Australia, Canada, New Zealand at Pilipinas.

Facebook Comments