117 na mga bagong Police Commissioned officers ng PNP, malaking tulong sa pagtugon sa pandemya ayon kay PNP Chief

Inaasahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar na malaki ang maitutulong ng kanilang 117 na mga bagong Police Commissioned Officers na tumugon sa pandemya.

Pahayag ito ni PNP chief matapos na pormal na panumpain sa tungkulin kahapon bilang mga bagong Police Commissioned officers ng PNP ang 117 propesyonal sa ilalim ng lateral entry program ng PNP.

Kabilang sa mga ito ang apat na abugado, tatlong medico-legal officers, isang chaplain at dalawang doktor na itinalaga sa ranggong kapitan.


Habang ranggong tinyente naman ang ipinagkaloob sa 107 dentista, psychologist, nars, social worker, pharmacist, nutritionist, enhinyero, chemist, forensic criminologist at IT officer.

Ang mga bagong opisyal ay itatalaga sa mga Regional Offices at National Support units.

Sila ay sasailalim muna sa Officers’ Basic Course and Field Training Program bago mag-report sa kani-kanilang mga assignment.

Facebook Comments