117 senatorial ‘nuisance’ candidates, bibigyan ng tyansang magpaliwanag- Comelec

Bibigyan pa rin ng pagkakataon ng Commission on Elections (COMELEC) ang 117 na aspirants o naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkasenador na dumipensa kaugnay sa posibleng pag-disqualify sa kanila dahil sa pagiging nuisance o panggulo.

Ito ang tiniyak ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia matapos ilabas ang inisyal na listahan ng mga pangalan na posibleng makabilang sa ilalagay sa balota para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Garcia, bahagi ito ng due process upang magkaroon ng tyansa ang mga aspirants na patunayan na lehitimo rin silang mga kandidato.


Kabilang sa nakapasok sa listahan si Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy, at iba pang personalidad gaya ng TV host na si Willie Revillame, aktor na si Philipp Salvador, abogado at singer na si Jimmy Bondoc na pawang nag-aasam na maluklok bilang senador sa susunod na taon.

Facebook Comments