117 SUCs, makakatanggap ng dagdag na budget ngayong 2023

Nakatanggap ng pagtaas sa taunang budget ang 117 State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa para tuluy-tuloy na masuportahan ang lumalaking requirements sa pagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa mga college student.

Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, ang kabuuang budget para sa SUCs sa taong ito ay aabot ng P107 billion.

Binigyan ng Kongreso ng dagdag na P13.7 billion ang SUCs budget sa 2023 mula sa P93.3 billion na orihinal na pondong isinumite ng Malakanyang sa ilalim ng National Expenditure Program.


Makakatanggap ang bawat SUCs ng ‘at least’ P5 million na dagdag na budget para sa research, innovation at iba pang programa sa hinaharap.

Gagamitin din ang dagdag na pondo para sa mga SUCs na may college of medicine at nursing gayundin sa iba pang kaugnay na health programs.

Sa loob ng magkakasunod na tatlong taon ay makikita ang pagtaas sa budget ng mga SUCs mula sa P73.7 billion noong 2020, sa P85.9 billion noong 2021, at P104.17 billion noong 2022.

Facebook Comments