1, 170 PFIZER VACCINES NATANGGAP NA SAMPUNG BAYAN SA IKA-ANIM NA DISTRITO

Natanggap na ng sampung bayan mula ika-anim na distrito sa lalawigan ng Pangasinan ang kabuuang 1, 170 Pfizer vaccines mula sa Department of Health o DOH.

Hinihikayat ang lahat ng mga hindi pa nabakunahan na makipag-ugnayan sa kanilang mga Rural Health Units upang malaman ang itinakdang araw ng kanilang pagbabakuna.

Sa unang araw ng pagbabakuna sa bayan ng San Quintin ay umabot sa 580 na mula sa A1-A2 category ang nabakunahan na at patuloy pa rin ang vaccination sa nasabing bayan.


Samantala, pakiusap ng mga eksperto na ibayong pag-iingat parin ang pairalin kahit bakunado na.

Facebook Comments