117,000 indibidwal, lumabag sa quarantine protocols – PNP

Umabot na sa 117,000 lumabag sa quarantine protocols ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, naitala ito simula August 21 hanggang 29.

May average ito na 13,000 paglabag kada araw na naitala sa National Capital Region (NCR).


Sa nasabing bilang, 61% ang nakatanggap ng warning, 33% ang pinagmulta at 5% ang dinala sa police station para sa iba pang pagpapanagot.

Ilan sa mga nakitang paglabag ay; hindi pagsusuot ng tama ng face mask at face shields maging ang paglabag mass gathering.

Facebook Comments