18 finalist sa 2022 Galing Pook Awards, inilabas na

Masayang inanunsiyo ng Galing Pook Foundation, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at SM Prime Holdings, Inc., ang labingwalong programa ng iba’t ibang lokal na pamahalaan bilang finalists para sa 2022 Galing Pook Awards.

Napag-alaman na mula sa 196 programs, tatlumpu ang umusad sa site validation stage at kinapanayam ng National Selection Committee mula Setyembre hanggang Oktubre.

Ang top 18 ay magtatagisan sa final round ng panel interview at presentation sa Nobyembre 21. Ang Board of Judges ay binubuo ng mga lider mula sa sektor ng negosyo, civil society, media, academe at pampublikong sektor na pinamumunuan ni DILG Secretary Benhur Abalos.


“Congratulations to the finalists of this year’s Galing Pook Awards. Our LGUs will definitely be inspired by your programs and I look forward to learn more about them in the Final Presentation and Interview. The DILG will continue work with Galing Pook in promoting these models of excellent and innovative local governance programs especially in the areas of people empowerment, disaster resiliency and poverty alleviation,” wika ni Abalos.

Ayon naman kay Georgina Hernandez Yang, Executive Director ng Galing Pook Foundation, kabilang sa finalist ay ang mga programa ng mga sumusunod na LGUs:

1. Alcala, Cagayan

2. Bacoor City

3. Basilan Province

4. Bataan Province: “1Bataan Seal of Healthy Barangay”

5. Bataan Province: “Bataan Public-Private Partnership Programs”

6. Biñan City, Laguna

7. Cagayan de Oro City

8. Barangay Cayabu, Tanay Rizal

9. Davao City

10. Goa, Camarines Sur

11. Barangay Hayanggabon, Claver, Surigao del Norte

12. Iloilo City

13. Itbayat, Batanes

14. Libertad, Antique

15. Paglat, Maguindanao

16. Palayan, Nueva Ecija

17. Piddig, Ilocos Norte at

18. Pulilan, Bulacan

Nabatid na inilunsad ang Galing Pook Awards noong Oktubre 21 para hanapin ang mga mahuhusay at makabagong mga programa ng mga lokal na pamahalaan.

Sinasabing mula noon, pinarangalan nito ang 329 programs mula sa 200 local government units sa bansa na ipinatupad sa iba’t ibang lugar para sa kapakinangan ng mas maraming komunidad.

Tatlong kahilim ng DILG ang tumanggap ng Galing Pook Awards sa kanilang panahon bilang mayor – sina dating Naga City Mayor Jesse Robredo, dating Calbayog City Mayor at ngayo’y Galing Pook Chairperson Mel Sarmiento, at dating Mandaluyong City Mayor at ngayo’y DILG Chief Abalos.

Samantala, ang Seal of Good Local Governance o SGLG ay itinulad sa mga ginagawa ng Galing Pook Awards.

Gaganapin sa Nobyembre 21 ang 2022 Galing Pook Awards Ceremony na handog ng Galing Pook Foundation at SM Prime katuwang ang DILG-Local Government Academy, Cebu Pacific at Airspeed.

Facebook Comments