Higit 100 Higher Education Institutions (HEIs) sa buong bansa ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magsasagawa ng limitadong face-to-face classes ngayong pasukan.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, nasa 118 HEIs ang pinayagang magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa ilalim ng medical at allied health sciences.
Kabilang dito ang mga estudyante sa medicine, nursing, medical technology/medical laboratory science, physical therapy, midwifery, at public health.
Sa kabila nito, sinabi ni De Vera na lilimitahan pa rin ang bilang ng estudyante na dadalo sa face-to-face classes para matiyak na naipatutupad ang social distancing at iba pang health protocols.
Kailangan rin munang mag-apply ng mga higher education institutions bago magsagawa ng limited face-to-face classes.