118 Pinoy na biktima ng human trafficking sa Asya, naghihintay na ng repatriation — DFA

Kinumpirma ng Department of Foriegn Affairs (DFA) na 118 Filipinos na biktima ng human trafficking ang naghihintay ngayon ng repatriation.

Ito ay kinabibilangan ng 6 na Pinoy mula sa Cambodia, 75 mula sa Myanmar, 7 mula sa Laos at 30 mula sa Thailand.

Tiniyak naman ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang mga embahada ng Pilipinas, sa mga otoridad sa naturang mga bansa para mapabilis ang repatriation sa mga biktima

Kinumpirma rin ng DFA na mula January 1 hanggang July 15,2025, nakapagresponde na sila sa 480 kaso ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking.

110 dito ay mula Cambodia, 5 sa Myanmar, 61 sa Laos at 304 mula sa Thailand.

Facebook Comments