119 bagong kaso ng Delta variant, naitala ngayong araw

Kinumpirma ng Department of Health (DOH), na umaabot na sa 450 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na madagdagan ng 119 na bagong kaso ngayong araw kung saan 93 dito ay local cases, habang 20 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 6 ang inaalam pa kung local o ROF cases.

Sa 93 lokal na kaso ng Delta variant, 18 ay mula sa National Capital Region (NCR), 14 sa Calabarzon, 18 sa Central Luzon, 13 sa Western Visaya, 8 sa Northern Mindanao, tig-isa sa Central Visayas, Western Samar at Cordillera Administrative Region (CAR).


118 sa mga ito ay gumaling na habang ang 1 kaso ay bine-verify pa.

Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 125 na bagong kaso ng Alpha o UK variant habang 94 ang bagong kaso ng Beta o South African variant at 11 ang bagong kaso ng P.3 o Philippine variant.

Sa ngayon, ang total Alpha variant cases sa bansa ay umaabot na sa 2,093 habang ang total Beta variant cases ay 2,362 at recovered na ang lahat ng Philippine variant cases.

Facebook Comments