PANGASINAN – Nabakunahan na ang 119 na Philippine National Police (PNP) Health Personnel sa Pangasinan laban sa COVID-19.
Ayon kay PNP Pangasinan Spokesperson Police Major Arturo Melchor, gamit ang Sinovac Vaccine naturukan ang mga medical technologist at nurses na nakatalaga sa apatnaput walong PNP Health unit station sa lalawigan.
Aniya, malaki umano ang porsyento ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang nagnanais na magpabakuna matapos magsagawa ng survey sa kanilang hanaya.
Dagdag ni Police Major Melchor, mabuti umanong pag-aralan ang epekto ng bakuna sa katawan upang makita ang epekto nito sa paglaban sa covid-19 at maprotektahan ang hanay ng kapulisyahan sa kabila ng kanilang pagseserbisyo sa publiko.
Samantala, bumaba naman na sa labing apat ang aktibong kaso ng COVID-19 sa miyembro ng PNP Pangasinan.