Sa kabila ng COVID-19 pandemic, sumuko sa militar ang 112 na mga miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) habang nasawi ang dalawa pang NPA sa isang linggong operasyon ng militar.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, mula May 17 hanggang May 23, 2020, nang isagawa ng mga sundalo ang mga operasyon.
Sa mga military operation, 36 na NPA ang sumuko sa AFP Eastern Mindanao Command, isa ang nasawi at tatlo ang nahuling NPA.
82 naman ang sumukong NPA sa Northern Luzon Command at isang NPA ang nasawi sa operasyon ng Southern Luzon Command.
Nakumpiska naman ng militar, sa isang linggo nilang operasyon laban sa NPA, ang kabuuang 18 high-powered firearms, limang improvised devices at 413 rounds ng ammunition.
Sinabi naman ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr., hindi titigil ang AFP hangga’t hindi nasisira ang armed capabilities ng communist terrorist groups na nagbibigay ng banta sa kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino, at nagpapaantala sa development ng bansa.