Sa trababo nakatutok si House Deputy Majority Leader at Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep. Erwin Tulfo at hindi sa pagkandidato sa pagkasenador kahit siya ang nangunguna sa latest senatorial survey ng Pulse Asia.
Nagpapasalamat si Tulfo sa lahat ng naturang survey pero kanyang nilinaw na masaya siya ngayon sa House of Representatives.
Ayon kay Tulfo, kung titingnan ay pareho lang naman ang trabaho ng Senate and Congress dahil ang ipinapasa nilang panukalang batas ay daraan din naman sa Mataas na Kapulungan.
Diin ni Tulfo, mahalaga na manatiling nakatuon ang kanyang atensyon sa trabaho at hindi sa politika.
Nanguna si Tulfo sa senatorial survey ng Pulse Asia noong Marso na nakakuha ng 57.1% kasunod si dating Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 51.8% at dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha naman ng 47.7%