Distribusyon ng 140,000 na toneladang na karne ng baboy, inaprubahan ng DA

Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA) ang distribusyon ng 140,000 metric tons (MT) na imported pork para tumaas ang suplay ng mga produktong karne sa bansa.

Ayon sa DA Minimum Access Volume (mav) Management Committee (mmc), uumpisahan na ang pagdating ng suplay ng karne sa darating na Hulyo hanggang Oktubre.

Samantala, darating naman ang ikalawang suplay ng karne na aabot sa 30% o 60,000 MT simula Nobyembre hanggang Enero sa susunod na taon.


Layon nitong matiyak na sapat ang supply sa mga pamilihan at mapababa ang inflation ng bansa.

Facebook Comments