Pumalo na sa halos 200,000 ang bilang ng mga residenteng nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Las Piñas.
Sa inilabas na datos ng Las Piñas City Health Office (LPCHO), nasa 199,505 na ang bilang mga nabakunahan kung saan 160,950 ang nakatanggap ng first dose at 38,555 ang nabigyan na ng second dose.
Pinakamaraming bilang ng nabakunahan ay pawang mga nasa A3 category na nasa 82,844 habang nasa 51,669 ang A2.
Nasa 49,762 naman ang bilang ng nabakunahan sa A4 kung saan 13,287 ang bilang ng A1 at 1,943 sa A5 category.
Patuloy pa rin ang ginagawang vaccination program ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas habang ikinakasa na rin ang libreng antigen swabbing mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Facebook Comments