Pumalo na sa 1, 469, 099 ang bilang ng mga indibidwal sa Ilocos Region ang nabigyan ng 1st booster shot matapos isagawa ang Bakunahang Bayan. Katumbas ito 38. 89% na target ng Rehiyon na maturukan ng naturang bakuna.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, Noong December 5-7, 2022 nasa 10, 987 na indibidwal sa rehiyon ang naturukan ng 1st booster shot.
Inaasahan ng kagawaran na maabot ang 50% ng mga residente nito ang mabigyan ng 1st booster shot bago matapos ang taon.
Dagdag ni Bobis, sa katatapos na bakunahang bayan kung saan target na mapataas ang pagbabakuna sa mga kabataan edad 5-11, nasa 71% na nito ang bakunado o katumbas ng 364, 840.
Muli namang hinikayat ni Bobis ang mga wala pang booster shot na magpunta na sa mga vaccination sites upang maging protektado sa mga selebrasyon ngayong holiday season. |ifmnews
Facebook Comments