11K signature campaign, isinagawa ng isang grupo para hilinging isapubliko ni PRRD ang kaniyang medical records

Nagpasa ng aabot sa labing-isang libong (11,000) signature campaign ang grupong “Kabataang tagapagtanggol ng karapatan (youth in defense of rights)” o “Katapat,” sa Korte Suprema para hilinging isapubliko ni Pangulong Rodgrigo Duterte ang kaniyang medical records.

Ayon kay Katapat Head Bryan Ezra Gonzales, sa oras ng paglaban ng Pilipinas sa COVID-19, karapatan ng publiko na malaman ang kundisyon ni Pangulong Duterte.

Ito ay para matiyak na kayang harapin ng pangulo ang anumang problema na may maayos na kundisyong pisikal at mental.


Nabatid una nang inamin ng Pangulong Duterte na maliban sa spinal issues at migraine, ay meron din itong iniindang Myasthenia Gravis, Barrett’s Esophagus, Gastroesophageal reflux disease kaya laging itong nagmumukhang pagod.

Facebook Comments