Tiwala ang Department of Agrarian Reform (DAR) na mas lalakas pa ang kanilang performance sa pamamahagi ng lupa ngayong taong 2024.
Ito ang inihayag ni DAR Secretary Conrado Estrella III kasunod ng nalampasan nilang target na nabigyan ng titulo ng sinasakang lupa noong 2023.
Matatandaang mismong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang nagpahayag ng papuri sa ahensya dahil sa pagsisikap ng DAR na maibigay na sa mga mga magsasaka ang tunay na pagmamay-ari ng lupang matagal na nilang sinasaka.
Ayon kay DAR USec. for Support Services Rowena Niña Taduran, kabuuang 2,529 E-titles ang naipamahagi at sumasaklaw sa tinatayang 3,560 ektarya sa buong Davao region.
Sa ngayon ay nasa mahigit sa 90,000 E-titles na ang naipamahagi sa loob ng isat-kalahating taon ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bukod sa pamamahagi ng mga E-title, ang mga ARB ay bibigyan ng access sa iba’t ibang serbisyo at suporta gaya ng subsidy na isa sa direktiba ni Pangulong Marcos.