Nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian sa inagurasyon ng Binondo-Intramuros Bridge Project, sa Intramuros, Manila kanina na bukas siyang mapag-usapan ang usapin hinggil sa Spratly Islands.
Ayon sa pangulo walang away ang Pilipinas at ang China.
Kung kaya’t maaaring pag-usapan ang Spratlys Island at ang karapatang makapangisda roon ng ating mga kababayan.
Una nang kinumpirma ng Palasyo na magkakaroon ng virtual meeting sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Biyernes, ika-8 ng Abril.
Nabatid na sa pamahalaan ng China nagmula ang inisyatibo ng pulong na ito.
Makailang beses narin sinabi ni Pangulong Duterte na kaibigan niyang itinuturing ang Chinese president.
Facebook Comments