12-15 anyos maaari nang turukan ng Pfizer COVID-19 vaccine-DOH

Inaprubahan na ng Food and Drug Administation o FDA ang “Amended Emergency Use Authorization” o EUA ng Pfizer, BioNTech COVID-19 vaccine.

Ito ay para para maisama ang mga batang edad 12 hanggang 15-anyos sa mga maaaring maturukan ng bakuna.

Gayunman, nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na sa ngayon ay uunahin muna ang pagbabakuna sa mga 12 hanggang 15-anyos na may comorbidities o kasama sa A3 category.


Ito ay dahil na rin sa limitadong supply ng Pfizer vaccines na dumarating sa ating bansa, kaya susundin muna ang prioritization list.

Kinumpirma naman ni Dr. Nina Glorianni, Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert, ang pag-apruba nila sa amended EAU ng Pfizer ay dumaan sa masusing pag-aaral.

Ito ay matapos na magsumite ang Pfizer ng mga ebidensya ng efficacy sa 12 hanggang 15-anyos ng kanilang COVID-19 vaccine.

Nauna nang inisyu ng FDA ang EUA sa Pfizer noong Enero, pero para lamang sa mga indibidwal na edad 16 pataas.

Facebook Comments