Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kasama na sa A3 priority group ng pagbabakuna ang may mga edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidity.
Ayon sa DOH, ang pagbabakuna sa iba pang mga batang may edad 12 pataas ay gagawin kapag naabot na ang target na bilang ng mga matuturukan na senior citizen o A2 group.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na sa pagsisimula ng programa sa susunod na buwan, inirekomenda nilang mabakunahan ang may mga comorbidity na menor de edad sa piling lugar.
Kailangan din aniya ng permiso ng mga magulang o guardian at ang bakunang gagamitin sa kanila ay Pfizer o Moderna base sa permiso Food and Drug Administration (FDA).
Facebook Comments