12.2 milyong mga Pilipino, naitalang walang trabaho sa unang kwarter ng 2021 ayon sa SWS survey

Aabot sa 12.2 milyong mga Pilipino ang naitalang walang trabaho sa Pilipinas ngayong unang kwarter ng 2021.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 25.8 percent sa kabuuang labor force sa bansa ang walang trabaho.

Mas mababa ito ng 1.5 percent sa 27.3 percent o 12.7 milyong mga Pilipino na walang trabaho noong fourth quarter ng 2020.


Sa Metro Manila, bumaba sa 30.8 percent ang mga Pilipinong walang trabaho kumpara sa naitala noong huling quarter na nasa 37.8 percent.

Kabilang sa mga ito ang mga Pilipinong nag-resign na sa kanilang trabaho, naghahanap ng trabaho at ang mga nawalan ng pangkabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang survey mula April 28 hanggang May 2 kung saan nangunguna ang National Capital Region at Luzon sa tala.

Facebook Comments