Aabot sa 12.7 milyong kabataan na edad 12 hanggang 17 ang babakunahan kontra COVID-19.
Muli namang nilinaw ng Department of Health (DOH) na uunahing bakunahan ang mga batang may comorbidities.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, ipa-prayoridad ng national government ang 10% ng kabuuang bilang ng mga menor de edad sa buong bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan habang mino-monitor ang adverse effects sa kanila ng mga bakuna.
Kabilang sa mga posibleng epekto ng bakuna sa mga bata ay ang anaphylaxis, myocarditis o pamamaga ng heart muscle, pananakit ng ulo at katawan, allergies at iba pa.
Pero ayon kay Cabotaje, hindi naman ganoon ka-severe ang mga side effect.
Samantala, tutulong sa pagbabakuna ng mga bata ang National Children’s Hospital at Philippine Heart Center sa Quezon City gayundin ang Philippine General Hospital sa Maynila.