Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na maaaring makumpleto ang pagbabakuna sa aabot na 12.7 milyong kabataan na edad 12-17 pagsapit ng unang quarter ng 2022.
Ani Duque, baka umabot ng Enero 2022 ang pagbabakuna sa 100% ng 12.7 milyong kabataan.
Hiwalay pa rito ang target ng pamahalaan na makamit na mabakunahan ang 80% ng naturang bilang sa pagtatapos ng taon.
Base sa datos ng Department of Health, nasa 23, 727 na ang minors with comorbidities ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Facebook Comments