12 anti-poverty programs ng DSWD, pinare-repaso ng isang senador

Pinare-review ni Senator Rodante Marcoleta ang 12 anti-poverty programs na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa budget deliberation para sa DSWD, sinabi ni Marcoleta na sa daming programa para sa mga mahihirap, hindi naman aniya nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong mahihirap at nagugutom.

Tinukoy ng senador na sa survey noong 2022 nasa 48% na mga Pinoy ang nagsabing mahirap sila, nanatili ito sa 48% noong 2023, tumaas sa 57% noong 2024, at nitong September 2025 bahagyang bumaba sa 50% ang nagsasabing sila ay mahirap.

Katumbas ito ng 14.2 million na pamilyang Pilipino o 24 milyon hanggang 30 milyong indibidwal.

Ayon naman kay Senator Pia Cayetano, na siyang nagsponsor ng DSWD budget, mayroon nang ginagawang pag-aaral sa kanilang programa para matukoy kung alin ang epektibo at dapat pang paghusayin.

Facebook Comments