12-anyos na babae, arestado matapos mag-post ng ‘death list’ online

1134

Hinuli ang isang 12-anyos na babae mula Florida matapos nitong takutin ang mga estudyanteng nasa death list na kanyang ipinost sa snapchat.

Inaresto ang babae nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 6, na haharap sa kasong ‘two counts of written threat to kill’ at ‘false reporting concerning a firearm’ ayon sa Broward County Sheriff’s Office.


Base sa report, isang estudyante ng Falcon Cove Middle School, kasama ng kanyang ina ang lumapit sa pulisya para ipaalam ang naturang death list na naglalaman umano ng mga pangalan ng estudyante.

Dagdag ng mga pulis, isa pang pananakot ang naka-post sa Snapchat kung saan sinasabing hindi na ligtas ang mga nasabing estudyante dahil papatayin sila umano sa darating na Lunes.

Inamin naman ng babae ang ginawang flase threats online kaya agad siyang idinala sa Juvenile Assessment Center.

Samantala, ibabalik naman sa normal ang klase sa eskwelahan sa darating na Lunes ayon kay Nadine Drew, Broward County Public Schools spokeswoman.

Facebook Comments