12-anyos na babae, halos isang taon umanong minolestiya ng kapitbahay

1938
A little girl protects herself with her palm

Nahaharap sa reklamong pangmomoletisya ang isang 31-anyos pedicab driver sa Sta. Mesa, Maynila na umano’y nambiktima ng 12 taong gulang na babaeng kapitbahay.


Inaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Anthony Hernandez, Lunes ng gabi.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-umpisa raw ang sekswal na pang-aabuso ng salarin sa menor de edad noong Hulyo 2019 at umabot hanggang unang linggo ng Marso nang kasalukuyang taon.

Dahil nakakapasok daw ang suspek sa loob ng bahay ng biktima ay nagagawa niyang hipuan o hawakan ang pribadong bahagi ng katawan nito kapag natutulog.

Ayon pa sa kinauukulan, pinupuntahan ng akusado sa eskuwelahan ang batang babae at pinagbantaang papatayin ito sa oras na magsumbong.

Nang malaman ng ina at pinsan ng biktima ang insidente ay agad silang dumulog sa mga barangay officials, na siyang unang dumakip kay Hernandez.

Nasa kostudiya ngayon ng Manila Police ang salarin habang pinag-aaralan ang posibleng kasong isasampa laban dito.




Facebook Comments