12-anyos na babae sa Lanao del Norte, patay matapos tamaan ng ligaw na bala; Pagsalubong sa Bagong Taon, ‘generally peaceful’ – PNP

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong ng Bagong Taon sa bansa.

Ito ay kahit nakapagtala ng ilang kaso ng indiscriminate firing.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, isa rito ay kinasangkutan ng isang babaeng police officer sa Malabon.


Hindi na pinangalanan ni Usana ang pulis pero aniya, posible siyang matanggal sa serbisyo dahil sa paglabag.

Samantala, kinumpirma rin ni Usana na isang 12-anyos na babae ang nasawi matapos na tamaan ng ligaw na bala sa Lanao del Norte.

Bukod dito, dalawa pang kaso ng stray bullet ang naitala sa Dagupan at Santa Catalina, Negros Oriental.

Tinutukoy pa ng pulisya ang pinagmulan ng bala.

Facebook Comments