12 anyos na batang babae patay ng mabundol ng pampasaherong bus sa Cotabato-Davao Highway

Patay ang isang 12 anyos na batang babae ng ito ay mabundol ng bus ng Mindanao Star sa Cotabato Davao Highway kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Riza Banawan ng Purok 2 Barangay New Ocon sa Magsaysay Davao Del Sur. Batay sa pahayag ni Police Sr. Insp. Edilberto Cabillo, hepe ng Magsaysay Pnp bigla umanong tumawid sa kalsada si Banawan at dito na siya nahagip ng paparating na Mindanao Star Bus na may plakang ACX 7287 na minamaneho ni Elmer Lungga, 44 residente ng Alabel Saranggani Province .
Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian din ng buhay.
Nasa kustodiya ngayon ng Magsaysay Pnp ang biktima at ang driver.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments