12 anyos, nakaligtas sa kamay ng Maute Group

Pagadian, Philippines – Hindi makalimutan ng isang 12 anyos ang kanyang karanasan sa kamay ng teroristang Maute matapos itong makaligtas dahil nakihalo ito sa mga sibilyang Muslim ng sila’y i-hostage.

Sa exclusibong panayam ng RMN DXPR Pagadian kay March na nakauwi na sa kanilang Barangay sa Nabuna, Bayan ng Aloran lalawigan ng Misamis Occidental noong nakarang araw.

Aniya, pumunta sila sa Lungsod ng Marawi upang magtrabo sa isang bakeshop subalit pinasok di umano sila ng mga Maute at isa-isa silang tinatanong kung sila bay Kristiyano o Muslim, dahil karamihan sa kanila mga Kristiyano kaya sila inilagay sa loob ng bodega at tinalian pa ang kanilang mga kamay.


Subalit inutusan di umano siya sa lider ng Maute na kunin ang kanyang mga kasamahan sa labas subalit hindi na siya bumalik pa at humalo sa mga babaeng Muslim at sila’y pinaalis sa lugar at iniwan ang mga kristiyano habang nasa kamay ng terorista.

Sa ngayon patuloy pang inaalam kung buhay pa ang kaniyang mga kasamahan kung saan umaabot sa pitong mga kapitbahay nito ang kasa kamay pa ng Maute at di pa tukoy kung ano na ang mangyayari sa kanila, habang dumarami na rin ang mga lumalapit sa RMN-DXPR na kamag-anak ng mga sibilyang naiipit ngayon sa sagupaan sa siyudad ng Marawi.
DZXL558, Mel Coronel

Facebook Comments