Naantala ng limang oras ang flight mula British Airways papuntang Los Angeles dahil nakalusot sa security ng airport ang 12 anyos na lalaki na walang passport at ticket.
Ayon sa British Airways, nahuli na lamang ng isang cabin crew ang lalaki na papasok na ito ng eroplano nang wala itong boarding pass.
Walang guardian ang bata at wala rin itong dalang mga gamit. Inimbestigahan ng mga pulis ang insidente kung paano nakapasok ang bata na walang kahit anong dokumento na walang nakahalata.
So I survived my six hour wait at Heathrow but am now delayed on the tarmac because a young boy made his way onto our plane – BA269 – without a ticket. Big security breach. So much fun for everyone on board 🤪 We were meant to take off at 4.15pm. It’s nearly 6pm 😬
— Rachel Richardson (@RachelARich) July 14, 2019
Ayon sa isang pasahero na si Rachel Richardson, pinababa silang lahat upang isagawa ang security precaution at nagkaroon ng diskusyon ang piloto ng eroplano at ang mga pulis.
Hey @British_Airways thank you for putting our safety first but it’s totally chaotic here as an entire plane goes back through security. Very little information from staff. Be thankful that the #DjokovicFederer nailbiter is keeping some of us amused pic.twitter.com/tlTVfU0mGn
— Rachel Richardson (@RachelARich) July 14, 2019
Sumailalim muli ang lahat ng pasahero sa security checks. Humingi naman ng paumanhin ang airline sa nangyaring disrupsyon o abala sa lahat ng pasahero ng flight.