12 BARANGAY SA BACNOTAN, LA UNION, KINILALA BILANG VERIFIED DRUG-FREE

Tinanggap ng labing dalawang barangay sa Bacnotan, La Union ang resolusyon na patunay sa pagiging malaya sa ilegal na droga matapos ang puspusang pagtatrabaho upang mapigilan ang pagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang mga nasasakupan.

Iginawad ng lokal na pamahalaan sa bawat pamunuan ng mga barangay ng gtipal, Arosip, Bacqui, Legleg, Mabanengbeng 2nd, Maragayap, Ortega, Pang-pang, Sapilang, Sta. Cruz, Sta. Rita, at Ubbog, ang resolusyon na nagsasaad ng Verification of Drug-Free Status.

Alinsunod ang aktibidad sa alituntunin na itinakda ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program.

Plano upang patatagin ang ugnayan ng kapulisan at iba pang ahensya upang patuloy na itaguyod ang kampanya laban sa ilegal na droga at mapanatili ang pagiging drug-free ng kanilang mga lugar.

Facebook Comments