12 barangay sa Cebu City, isasailalim sa mahigpit na lockdown; pagtatayo ng karagdagang mga isolated facilities, tiniyak ng pamahalan

Isasailalim sa mahigpit na lockdown ang labing dalawang barangay sa Cebu City na tinutkoy bilang “hotspots” para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, naitala sa labing dalawang “hotspots” barangay ang mataas na kaso ng COVID-19.

Aniya, ipatutupad ang mahigpit na lockdown para maiwasan ang pagpasa ng virus sa ibang komunidad.


kabilang sa labing dalawang “hotspots” barangay ay ang:

1. Sambag Ii
2. Kamputhaw
3. Sambag 1
4. Basak San Nicola
5. Mabolo,
6. Guadalupe
7. Lahug
8. Duljo Fatima
9. Tinago
10. Tisa
11. Ermita
12. Tejero

Sinabi rin ni Cimatu, na 160 kasapi ng Special Action Forces (SAF) at 200 police personnel ang ipadadala bilang augmentation forces para sa pagpapatupad ng community quarantine measures sa lungsod.

Habang pag-uusapan pa aniya ang pagpapatupad ng quarantine passes kasama ng ibang concerned officials.

Kasabay nito, tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang karagdagang mga isolated facilities sa Cebu City para sa mga health workers, at mga nagpositbo sa virus.

Facebook Comments