12 Chinese national na kasama sa ipapa-deport ngayong araw, ibinalik muli sa custodial facility matapos hindi mabigyan ng implementation order ng BI

Ibinalik muli sa custodial facility ng PAOCC ang 12 Chinese national na kasama sana sa ide-deport ngayong araw pabalik ng China.

Ito’y matapos hindi mabigyan ng implementation order ang mga indibidwal mula sa BI.

Ayon sa PAOCC, na 91 Chinese National na lamang na sangkot sa mga illegal activities ang patatalsikin palabas ng bansa.

Ang mga deportees na kinabibilangan ng mga banyaga ay nasangkot sa illegal offshore gaming at fraud activities at ang dalawang naaresto ay dahil sa illegal mining.

Nakatakdang lumipad ngayong 10:40 ng umaga sakay ng PAL flight PR336 mula NAIA terminal 1 patungong Shanghai, China ang mga banyaga.

Ang mga nasabing banyaga ay naaresto sa pamamagitan ng koordinasyon ng inter-agency operations kung saan nakita ang mga hubs at criminal activity sa bansa.

Kasama na rito ang mga lugar ng Pasay City, Parañaque City, Biñan, Laguna, Lapu-Lapu City, Cebu, Porac at Mabalacat, Pampanga, at Bamban,Tarlac.

Facebook Comments