
Inaresto ng National Bureau of Investigation o NBI ang 12 Chinese nationals sa Muntinlupa City dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang naturang mga Chinese ay naaresto sa tatlong magkakahiwalay na townhouse sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.
Nakuha sa mga Tsino ang iba’t ibang uri ng mga armas, bala, mga kutsilyo, posas at mga sasakyan.
Nabawi rin sa mga Chinese ang identification cards na may mga pangalang Yi Wan, Wang Zenghui, Yichun Liu, Zhou Chenchen, Zhang Yu, Xiu Zhang, Zhang Qi Ja, Wang Zenghui at Wang Weibin.
May hinala ang NBI na ginagamit ng mga Tsino ang mga armas sa kanilang illegal activities sa bansa.
Facebook Comments