12 confidential informants, nakatanggap ng reward money mula sa PNP

Kabuuang P1.9 million ang natanggap na pabuya ng 12 tipsters mula sa Philippine National Police (PNP).

Ang mga ito ang naging daan sa pagkaka-aresto ng 12 pugante o pinaghahanap ng batas dahil sa mga kinahaharap na kaso tulad ng murder, rape, multiple attempted murder at mayroong mga nakabinbing warrant of arrest.

Ayon sa PNP, ang pagbibigay ng pabuya ay isa sa mga programa ng Pambansang Pulisya para sa agarang pagkakadakip sa mga tinaguriang most wanted persons.


Kasunod nito, hinihimok ng pamunuan ng PNP ang publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga impormasyong may kinalaman sa mga indibidwal na pinaghahanap ng batas.

Facebook Comments