12 dating rebelde sa Bukidnon, tumanggap ng reintegration assistance mula sa gobyerno

Bilang bahagi ng pagbabalik-loob sa gobyerno, tumanggap ng reintegration assistance ang 12 dating rebelde mula lokal na pamahalaan ng Bukidnon.

Ito ay matapos ang isinagawang aktibidad sa Headquarters ng 403rd Infantry Brigade sa Barangay Impalambong, Malaybalay City, Bukidnon.

Kabilang sa reintegration assistance ay ang P25,000 mula sa Bukidnon Local Government Unit (LGU), P10,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) 10, hygiene kits, bigas, food packs, kitchen utensils, at sleeping kits.


Habang nangako si Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri Jr. ng P25,000 na financial assistance para sa bawat isang rebelde.

Makikinabang din sila sa 200 bahay na itatayo sa lalawigan.

Dumalo sa aktibidad sina 4th Infantry Division Commander Major General Romeo Brawner Jr., 403rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Ferdinand Barandon at ilang lokal na opisyal.

Facebook Comments