Nakatakdang magsagawa ang Department of Health (DOH) ng 12-day vaccination drive multi-regional mass immunization program sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng naitalang unang kaso ng polio sa Quezon City kung saan isang tatlong gulang na batang lalaki ang biktima.
Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, isasagawa ang mass vaccination mula ika-27 ng Enero hanggang a-siyete ng Pebrero kung saan mabibigyang bakuna ang mga batang limang-taong gulang pababa.
Dahil dito, mako-cover ng naturang programa ang second round ng sabayang patak kontra polio kung saan magpo-focus sa poliovirus type 2 ang kanilang ahensiya.
Facebook Comments