12 domestic flights, kanselado ngayong araw dahil pa rin sa Bagyong Crising at habagat

Umaabot na sa 8,695 na mga pasahero ang apektado ng tatlong araw na flight disruptions dahil sa Typhoon “Crising” at habagat.

Ngayong araw, nakapagtala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng 12 kanseladong domestic flights dahil sa masamang panahon.

Kabilang sa kanselado ngayong araw ang:
Cebu Pacific Air
•5J 404: Manila – Laoag
•5J 405: Laoag – Manila

Philippine Airlines
•PR 2196: Manila – Laoag
•PR 2197: Laoag – Manila
•PR 2932: Manila – Basco
•PR 2933: Basco – Manila
•PR 2688: Manila – Basco
•PR 2689: Basco – Manila

Cebgo
•DG 6113: Manila – Naga
•DG 6114: Naga – Manila
•DG 6117: Manila – Naga
•DG 6118: Naga – Manila

Sa nakalipas na tatlong araw, umabot sa 108 ang kanseladong domestic flights

Facebook Comments