Arestado ang isang 50 anyos na lalaki matapos masamsaman ng humigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa lungsod ng Alaminos.
Ayon sa ulat ng Alaminos City Police Station (CPS), isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Regional Intelligence Division ng PRO1 at PNP Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit 1, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA-RO1) at Target Intelligence Packet (TIP).
Inaresto ang suspek bandang alas-9:15 ng gabi matapos umanong magbenta ng ilegal na droga sa isang operatibang pulis na nagpanggap bilang buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may kabuuang Standard Drug Price na ₱81,600.00. Bukod dito, narekober din ang iba pang ebidensya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alaminos CPS ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Pangasinan.










