12 indbidwal, arestado sa paglabag sa COMELEC gun ban – PNP

Manila, Philippines – Labing dalawang indibidwal agad ang naaresto ng Philippine National Police matapos lumabag sa umiiral ng COMELEC gun ban kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sanggunian Kabataan Election.

Ito ay batay sa ulat ng PNP simula hatinggabi ng October 1, hanggang alas -6:00 ng umaga kanina.

Tatlo sa bilang na ito ay naaresto sa isinagawang checkpoint operation sa region 1, 4A at region 6.


Walo, naaresto sa police operations, isa sa region 1 isa sa region 3, isa sa region 6, at tatlo sa region 7.

Isa naman sa naaresto ay dahil sa search warrants sa region 3.

Sa bilang na ito, walong baril ang nakumpiska, 2 revolver, isang homemade firearms, isang bladed weapon at 102 ammunition.

Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay at mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng PNP upang mahuli ang mga lalabag sa COMELEC gun ban nationwide.

Facebook Comments