12 indibidwal, arestado sa checkpoint operation kasunod ng naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Batangas

Batangas – Arestado ang labing dalawang indibidwal sa isinagawang checkpoint operation ng pulisya at militat sa Barangay Utod Nasugbu.

Kasunod ito nang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng militar at New Peoples Army.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo B Burgos Jr, ang Commander ng 202nd Infantry Brigade ang labing dalawang indibidwal na naaresto ay pinaniniwalaang kasama sa mga naka-engkwentro ng militar kahapon sa Barangay Utod Nasugbo.


Sinabi naman ni Major General Rhoderick Parayno, Acting Commander ng AFP’s Southern Luzon Command na kikilalanin ng tropa ng 730th combat group ang mga naarestong indibidwal upang matukoy kung ito ang kanilang nakasagupa.

Sa ngayon nasa kustodiya ng PNP Nasugbu ang mga naaresto habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng PNP Cavite, PNP Batangas at tropa ng 2nd infantry division ng Philippine Army laban sa mga nakasagupang NPA.

Facebook Comments